Wednesday, May 13, 2009

may pag-ibig ba kung ang puso mo ay di kayang magbigay ng isangdaang porsyentong pagtitiwala? alam mong ang pag-ibig at pagtitiwala ay dapat parehong nariyan. pero papaano kung sa pag-ibig sobra sobra ang kayang mong ialay, ngunit pagdating sa pagtitiwala, di lahat ay kaya mong ibigay? masasabi mo bang itoy may katuturan, o maituturing na itoy kahibangan lamang? mahal na mahal niya ang kanyang gf, pero kahit anong pilit nyang mahalin ito, di pa rin nya kayang magtiwala ng lubos dito. pero mayroon naman siyang dahilan. ilang beses na din nyang naisip wag na lang ipagpatuloy, pero di nya kayang mawala siya sa kanya. kahibangan ang magmahal ng walang pagtitiwala, pero, mas mababaliw siya sa sakit kung siyay mawawala. hindi ganito dati, noon, binigay nya lahat ng pagtitiwala sa kanya, pero, dalawang beses, minantsahan niya ang pagtitiwalang ito. kaya ngayon, ganito ang sitwasyon, mahirap, masakit, masalimoot, nakakairita sa dibdib, di ka makakatulog, wala ka sa mood, nakakapagod din, pero sa kabila ng lahat, tatanungin mo rin sarili mo, bakit sa kabila ng lahat ng ito, di mo siya kayang iwan, di mo siya kayang pakawalan? kung ganito ang sitwasyon, masasabi mo pa bang, di pwedeng walang tiwala sa isang pag-ibig? sa kasong ito, meron namang pagtitiwala eh, yun nga lang, hindi buo. hindi lahat-lahat.

No comments:

Post a Comment