Saturday, August 15, 2009
Tuesday, June 9, 2009
NBA FINALS

i'm not a laker fan at hindi rin ako fan ni kobe, pero for the first time sa tanang buhay ko, i'm rooting for the los angeles lakers sa finals. damn, i hate the magics, they beat the cavs. grrr... lbj fan po kasi ako. hehehe. i have nothing against the magic, its just that they beat the cavs, that all. i hate the lakers beforeand i hate robert horry. yung 3 pt shoot nya na tumalo sa sacramento kings. parang bangungot yung shot na yun. pero eto ako ngayon, rooting for the lakers. sana ma-sweep nila ang magic. hehehe, pero parang hindi nila yun magagawa. pero still lakers parin, in 5.
Thursday, June 4, 2009
tanong ko lang...

bakit ang daming construction sa highway ngayon?
kahit di sira yung daan, sisirain, tapos aayusin.. pangpa-goodshot po ba ito ng mga pulitiko kasi malapit na ang eleksiyon?
kung alam nyo lang. yung, gastos sa pagpapasira at pagpapaayos ng mga kalsada natin ay dun na sana ginugugol sa pagpapasemento ng mga daan na lubaklubak pa, eh di sana mas maayos ang mga daan natin dito sa ating bayan.
isa lang yan sa mga na-obserbahan kong mga di kaaya-ayang gawain ng mga nasa posisyon.
sa mga nasa posisyon, sana po magbago na kayo. di nyo lang sinasayang ang pondo ng bayan, inaabala nyo pa ang mga bumabyahe. nade-delay yung mga lakad.
sana po magbago na tayong lahat. sa mga kapwa ko filipino, sana po pumili tayo ng maayos na leader. di lang naman po yung mga lider natin na nasa taas yung mga may problema, kahit yung mga lokal na opisyal natin may problema din.
magkaisa po tayo para sa ikabubuti ng ating bayan.
bumoto po tayo. at bumoto po tayo ng wasto.
Tuesday, May 19, 2009
Wednesday, May 13, 2009
may pag-ibig ba kung ang puso mo ay di kayang magbigay ng isangdaang porsyentong pagtitiwala? alam mong ang pag-ibig at pagtitiwala ay dapat parehong nariyan. pero papaano kung sa pag-ibig sobra sobra ang kayang mong ialay, ngunit pagdating sa pagtitiwala, di lahat ay kaya mong ibigay? masasabi mo bang itoy may katuturan, o maituturing na itoy kahibangan lamang? mahal na mahal niya ang kanyang gf, pero kahit anong pilit nyang mahalin ito, di pa rin nya kayang magtiwala ng lubos dito. pero mayroon naman siyang dahilan. ilang beses na din nyang naisip wag na lang ipagpatuloy, pero di nya kayang mawala siya sa kanya. kahibangan ang magmahal ng walang pagtitiwala, pero, mas mababaliw siya sa sakit kung siyay mawawala. hindi ganito dati, noon, binigay nya lahat ng pagtitiwala sa kanya, pero, dalawang beses, minantsahan niya ang pagtitiwalang ito. kaya ngayon, ganito ang sitwasyon, mahirap, masakit, masalimoot, nakakairita sa dibdib, di ka makakatulog, wala ka sa mood, nakakapagod din, pero sa kabila ng lahat, tatanungin mo rin sarili mo, bakit sa kabila ng lahat ng ito, di mo siya kayang iwan, di mo siya kayang pakawalan? kung ganito ang sitwasyon, masasabi mo pa bang, di pwedeng walang tiwala sa isang pag-ibig? sa kasong ito, meron namang pagtitiwala eh, yun nga lang, hindi buo. hindi lahat-lahat.
Monday, May 4, 2009

In my life, everything is a mess
All things were out of place
I dont know where to go
I dont know what to do
I tried to look for answers
But everything seems so unclear
But then came You
and change everything I know
You told me where to go
and taught me what to do
You answered all my questions
and showed me your great intentions
Before I am nothing,
But You, gave my life a meaning..
All things were out of place
I dont know where to go
I dont know what to do
I tried to look for answers
But everything seems so unclear
But then came You
and change everything I know
You told me where to go
and taught me what to do
You answered all my questions
and showed me your great intentions
Before I am nothing,
But You, gave my life a meaning..
Saturday, May 2, 2009
the first post...
di ako mahilig sa mga blog. pero, nuon pa, palagi ko na pinupuntahan ang isang blog dito sa blogspot. crush ko kasi yung may-ari ng blog, pero higit pa dun, ang ganda ng mga post nya at ang organize ng blog nya. marami na rin akong naging account dito sa blogspot pero di updated, nakalimutan ko na nga kung ano yung mga account name ko. medyo matagal ko na di napupuntahan yung blog niya, kasi busy at saka maraming ginagawa na iba sa net. eh, ngayon araw na to lang, mga 5 minutes ago, binisita ko ulit yung blog nya, ganda ng mga nakasulat. sana nga makapag-post din ako ng gaya ng mga pinopost nya, yung may mga katuturan at meron kang matutunan. nakaka-inspire ng iba in a lot of ways. anyway, if you're wondering na kung ano yung blog na sinasabi ko, eto yung link nya. www.superbianca.blogspot.com.
Subscribe to:
Comments (Atom)



