Thursday, June 4, 2009

tanong ko lang...




bakit ang daming construction sa highway ngayon?
kahit di sira yung daan, sisirain, tapos aayusin.. pangpa-goodshot po ba ito ng mga pulitiko kasi malapit na ang eleksiyon?
kung alam nyo lang. yung, gastos sa pagpapasira at pagpapaayos ng mga kalsada natin ay dun na sana ginugugol sa pagpapasemento ng mga daan na lubaklubak pa, eh di sana mas maayos ang mga daan natin dito sa ating bayan.
isa lang yan sa mga na-obserbahan kong mga di kaaya-ayang gawain ng mga nasa posisyon.
sa mga nasa posisyon, sana po magbago na kayo. di nyo lang sinasayang ang pondo ng bayan, inaabala nyo pa ang mga bumabyahe. nade-delay yung mga lakad.
sana po magbago na tayong lahat. sa mga kapwa ko filipino, sana po pumili tayo ng maayos na leader. di lang naman po yung mga lider natin na nasa taas yung mga may problema, kahit yung mga lokal na opisyal natin may problema din.
magkaisa po tayo para sa ikabubuti ng ating bayan.
bumoto po tayo. at bumoto po tayo ng wasto.

No comments:

Post a Comment